Bakit ako single?
Katatanong lang yan ng bago kong kaibigan.
Hindi ko sigurado kung may transcript ba ang mga conversion sa newly found friends, na after ng age, crushes at status, masasama ang tanong na yan.
Bakit nga ba ako single?
Hindi ko rin talaga alam, siguro kasi kung alam ko baka hindi ako single ngayon.
Hindi naman ako panget, as in pang horror movie panget, wala naman ako body odor, marunong naman ako mag-hold ng conversation, at marami akong kaibigan (Diba, pakapalan na ng face to). Pero hindi ko rin alam kung bakit maski manliligaw wala ako.
Sabi ng bestfriend ko, masyado daw kasi akong perfect girl friend (magkahiwalay yan ah), so in short, nasa friendzone ako. Pero minsan feeling ko niloloko lang ako ng bestfriend ko para di ako magdrama, at kumanta.
Sabi ng boyfriend nya, di daw kasi ako nagbibigay ng aura na okay akong ligawan (May aura pa lang ganoon, last year ko lang nalaman)
Sabi ng close friend ko, masyado daw akong opinionated. (Eh madaldal talaga akong tao, masama ba maging totoo?)
Sabi pa ng isa kong friend, destiny ko lang daw talagang maging taga-payo/taga-ayos ng gala ng barkada. (Eh diba ang selfish nila! Hahaha)
Hindi ko tuloy alam kung dapat ako mabother, or baka sakali lang talaga wala pa yung taong maglalakas ng loob na manligaw sakin at makisama sa mga nakakabaliw kong trip sa buhay. Siguro hindi pa binigay ni Papa God sa taong yun ung daan para makita nya ako. At naniniwala naman kasi ako, na hindi naman porke't wala kang love life pag nasa 20's ka na, malungkot na ang buhay mo. Eh ito nga ako, masaya at kontento naman. Pero minsan kainggit lang din hahaha. Hindi naman ako maglalaho pag wala akong love life ng 25 eh, so sa ngayon, sige gora lang. Enjoyin ang pagiging single, may purpose naman yun, gaya ng pagiging topic nya sa post ko today ^^
Cheers to all single ladies out there!
Itayo natin ang bandera ng happy singles sa buong planet earth :D