Yeah, kill me for being so lazy haha, I was planning to post this after the concert but my laziness takes over T.T
Yes, nanonood ako ng Vice Ganda concert last May 17 kasama yung mga best friend ko at mga ka-officemate nya.
Technically, pangalang beses ko pa lang tong manonood ng live Pinoy act concert na may ticket ako, First is the Eheads concert na wala kaming ticket dahil sold out na.
And hindi naman talaga ako fans din nya, niyaya lang ako ng best friend ko so nagyes lang din ako.
The whole concert is okay, B+ if you're asking for the rating.
Nakakatuwa naman sya actually, napakadaming times akong tumawa sa mga sinasabi nya pero at the same time napakadaming beses din akong napa-pikit at takip sa tenga dahil sa green jokes nya.
Well, sabi nga ng kapatid ko, si Vice Ganda yan eh, si ako naman, malay ko ba, sumasama lang ako sa gala haha.
Hindi ako maka-alala ng something na nagstand out talaga sa akin dahil gustong gusto ko sya, aside sa narinig ko ng live si Regine Velasques at nakakahinga ako sa lugar na kasama ni Paolo Avelino haha. Pero madaming bagay ang na-aalala ko na medjo negative, at mas madami dun ay related sa management mismo.
1. Like what I said, medyo below the belt yung mga green jokes nya (Hindi na ako nagtaka dun sa issue with Jessica Soho), Hindi ko alam kung ako lang yun, pero may mga green jokes sya na masama na sa tenga, and that came from an adult like me. May mga bata na nanonood din sa kanila, so sana man lang nung nagbebenta sila ng ticket, nag PG-13 sila dahil alam naman nilang may mga di suitable for children. My younger sister wanted to go din that time, buti na lang di ko sinama or else I will let my younger sister hear some stuff that wasn't suitable for her.
2. Di sana sila nagbenta ng sobrang daming ticket T.T Nasa dulo kami ng Upper Box A nakaupo, and in the middle of her Senator Act, may susunduin kami ng best friend ko, so as usual dadaan kami sa aisle unless marunong kaming lumipad. Madaming tao ang nakaupo na sa stairs ng Isle at dun mismo sa stairs pababa. I keep saying, "excuse me" but it seems madaming bingi so muntik na akong mapaaway dahil I really can't stand rude people. Hindi ko alam kung san ako maiinis, sa tao ba or sa management. Madalas akong manood ng concert, pero first time lang nangyari na nag-excuse ka na, galit pa sila T.T
3. The ending is off T.T Or the way Vice delivers his good bye speech is too sad that it immediately change my mood from being happy about some of his jokes to not so interested one. Sabi nga ng best friend ko, malamang mali ng pagkakadeliver lang or at least the phrasing pero I hope next time, the ending part should be much jollier at least masabi din ng mga di naman fan na tulad ka na 'I enjoyed it'.
Don't kill me kung di nyo nagustuhan yung sinabi ko, this is a subjective post from someone who watched more international act than local one and yung mga concert na yun ay nakakapagod at nakakawala ng boses.
Like what I said to my best friend that night, Vice Concert is the calmest concert act na napuntahan ko at hindi ko kailangan uminom ng salabat for the next days or umiwas sa malamig.
Pero experience wise, yes I think worth it naman. But I don't think I will watch another concert from him :) Next time si Wally at Jose naman ang nasa list ko. Peace!