Most probably you live under the rock if you haven't heard of AlDub Fever that has been taken our noontime (and twitter) by storm.
Kung sasabihin mo pa rin sa akin na: HINDI KO SILA KILALA! (with nanlalaking mata )
I'll probably tell you: REALLY teh ? Di nga ? Weeeh ? Di ka Bitter?
At kung sasabihin mo pa rin sakin na kasi busy ka sa life mo at wala kang panahon sa Aldub na yan.
Eh di ikaw na busy! Ikaw na nagpapayaman at kami naman ay nagsasayang ng oras, Ikaw NA! IKAW NA TALAGA!!!! (Insert bitter laugh here) pero infairness sa kabusy-han mo, napuntahan mo ang hindi naman dapat pagbigyan ng oras na blog na ito kaysa mag-fb at twitter,
Kidding aside, hindi talaga ako mahilig sa local entertainment, my friends often told me to watch local entertainment once in a while kasi masyado na raw ako outdated, and that was the time when I told them about Sir Chief (or chef? see ! isang taon na ata ang palabas na yun ng makilala ko sya at proud pa ako ah) Kaya ngayon, natatawa mga tao sa paligid ko kung gaano ako sumusubaybay sa love story ng AlDub.
Hindi ko napanood ang unang episode nila, pero kilala ko na si Maine dahil sa Dubsmash na pinanood ng officemate ko. Sabi ko pa nga nung una, "Kagandang babae, lukaret". At nagulat ako nung makita ko sya sa Eat Bulaga isang tanghali na himalang gising ako.
Nagsimula ako sumubaybay sa kanila nung napabrowse ako sa Eat Bulaga page at napanood ko yung episode nila, weeksary na ata yun. Hindi ako fan ni Alden, oo gwapo sya, (Aba, sino magsasabi panget si Alden isang malaking insecure hahahhaa) pero sa mga palabas nya sa 7 na napanood ko, hindi ko gusto yung mga character nya, at siguro hindi ko lang talaga sya tipo (WOW! nag-iinarte pa ako, kala mo kagandahan diba) pero, ngunit, subalit nung makita ko yung scene nila ni Maine, aba eh kinilig buong pagkatao ko, buto, laman, internal organs, lahat na 'teh! Ayun, naging isa ako sa libo libong nagtweet at nanonood sa tanghali (nagpapagising pa ako sa bahay ng All for Juan para lang makanood dahil pangabi ako) at pati sa facebook every night. Isa ako sa mga taong nagulat nung hinimatay sa si Yaya, nadisappoint nung di magkita nung nakaraang-raang Miyerkules, naiyak kay Alden nung Sabado at nakisaya rin sa hindi pagkatuloy ng kasal.
Nakakatuwa at nakakatawa rin sa tuwing nagbrowse ako sa social media dahil lumalabas ang pagka-creative ng mga tao, yung mga sign na on-break dahil Kalyeserye na, o yung mga umuuwi ng maaga para sumakto sa Kalyeserye, dun sa mga estudyante na nakikinood sa canteen at sa lahat ng patunay kung gaano nagclick ang segment na to.
Sa ilang linggo kong pagsubaybay, hindi iilang beses ko naisip na ano ba meron sa Kalyeserye at AlDub bakit andami nahuhumaling dito, at kahit yung mga kaibigan ko na hindi ko inaasahang nanonood eh fanatic din pala.
Sa ilang linggo na iyon, ito ang napansin kong mga rason.
Unscripted
Oo sa ngayon, partyly scripted na sya, pero nagsimula lahat ng ito nung nawala sa character nya si Maine dahil nasa monitor si Alden at nanonood sa kanya. Pag naiisip ko yung ngiti nya na yun, kinikilig pa rin ako kasi alam ko na totoo yun, hindi scripted, walang nagsabi sa kanya. At yung itsura ni Alden nung niloloko sila, nakakatuwa din, nahihiya sya na hindi mo maintindihan.
Up until now, the show remains the scripts to be shared by the Brgy creative staff to ensure that even the studio host wouldn't know what's going to happen. I really want to hug the staff because they were able to hold those 'real' moments really well. They know when to push everyone to their seat and pull to let the audience get hook and wait until the next episode.
Breath of fresh air
Connected to sa unang point ko, nasimula ang Kalyeserye na ito ng hindi inaasahan. I remember I read an article about AlDub and they say it's an accidental surprise even for them. Nasabi ko na, na hindi ako fan ng local entertainment, at ang isa sa major reason ko ay dahil napaka-predictable nito . May mamatay na malapit sa bida, may kikidnapin bandang dulo o gitna para humaba istorya, may nakipagpalit ng asawa, or nangaliwa. Paulit, ulit na lang at nakakasawa na (AT WALA AKONG INEEXEMPT NA NETWORK DUN!).
Iba pa rin ang Eat Bulaga
I can't make a good title, except for this, so you guys know that I cannot be a creative writer >. <, EB has been running for 36 years now, and we all know that you cannot be constant and earn 36 years in a pickle word of show business just because of luck.
Hindi ko alam
I read two days ago that EB Think-tank is so deep, it bleeds oil (charing !), pero totoo naman na sa tagal nila sa noon-time show business, nothing beat them mainly because they have these long list of know-how and they know when to make something out of something.
Eat Bulaga knows their social responsibility, minsan hindi halata pero dun sa mga programs nila gaya ng Plastic ni Juan and Scholarship, makikita mo na alam nila yung power na meron sila. At nakakatuwang isipin na while they are sharing the jokes in the most Pinoy ways, they are also sharing the lesson we often forgot. Natutuwa ako na pinataas nila yung moral value nang courtship and love. tayong Something that our networks, TV producer must learn from. (PLEASE make other valuables show, hindi po lahat iikot sa third party, or kidnapping or other things.)
Alden, Maine & Wally (and the Brgy Staff)
I don't think Kalyeserye will be this big if not for these 3.
Call if accidental fame or what, but it wouldn't be this college if Maine didn't have a real life crush with Alden. It wouldn't be super kilig if Alden is not so shy acting silly and awkward with Maine, and it wouldn't be this crazy if Wally is not that great being the story antagonist.
Hindi ko pinaliliit yung importance ng role nila Jose, Paulo, The Rogelio's, Riding in Tandem at lahat ng bumubuo sa Kalyeserye, pero syempre itong tatlo yung bida. Everyone got super kilig with Alden & Maine because their chemistry is undeniable naman talaga ^^ And this whole Kalyeserye have a life because of Lola Nidora's character.
Kudos to the Brgy staff aswell , grabe ang galing nyo. Ang hirap magexecute ng ganoon segment na live lahat , walang take two >. < ( HANDS DO W
N)
One thing I for g ot to m entio n in Po int three is that I love how EB named their segment. it's witty and you cannot disguise the Pinoy Humor (hello word play and the jab of the negative things into funny things.
Nakuha ng Kalyeserye ito ng bongga, sila Rogelio, Rogelio, Rogelio, Rogelio pa lang nanakit na tiyan ko sa katatawa. Idagdag mo pa ang Riding in Tandem, ang official delivery boy ni Alden hahaha . Tapos is Frankie Arinoli pa. Word play, word play, simple lang pero in na in diba ?
Simple
From the same article where I got the think-tank word, the author said that it is too simple. And I agree na ang AlDub kalyeserye ay sobrang simple, pero ito rin yung rason bakit sya click. Lahat nakakaunawa, normal na nangyayari sya at napansin ko na ang mga palabas na halos kapareha sa tunay na buhay ay mas madaling tangkalikin kaysa sa mga palabas na sobrang pinag-iisipan na hindi na makatotohanan.
Mahirap sabihin kung bakit talaga click ang AlDub, pero isa lang ang sigurado ako, bukas panonoorin ko sila dahil hindi na tutol si Lola ^^
Baka sa Sabado na ang tamang panahon! kaya mga ka #Aldub fanatics, tweet pa more! nood pa more ha! ^^
At sa mga di pa nanonood ng Kalyeserye, buhay nyo naman yan so tuloy lang hihihi. Basta kami kinikilig, pampabuhay sa tulog na puso hahahaha.
At dun